Monday, September 10, 2012

Nagpipigil

Oo, tama! Nagpipigil ako ng aking pagka-inis sa isang taong malapit din naman sa akin. Isang taong masasabi akong itinuturing na kaibigan. Minsan siguro kasi kailangan talagang dumaan sa sitwasyon naganito para pa mas lalong tumindi ang pagkakaibigan.
Ang hindi ko kasi maintindihan ay bakit kelangan niyang panghinasukan ang personal naming buhay. Nung makalawa ay pumunta kami sa isang lugar at ang frend kung ito ay nagnanais na sumabay sa asawa ko. Sabi ng asawa ko ay kung di sasama ang mag-ina ko ay isasabay kita pero kung sasama sila ay pasensiya nalang.
Nung malaman niyang sasama ako ay wala naman siyang terrible/horrible reaction pero ramdam ko na "he develop this hatred or bitterness towards me" na ikinalulungkot ko naman.
Nalulungkot ako dahil alam ko sa sarili ko na kayang kong magtiis para sa pakikipagkaibigan pero di ko kayang magtiis ng pang-matagalan. :(

1 comment:

  1. psst!! baka naman iniisip at akala mo lang yan :) bili ng pasensha na marami :D

    ReplyDelete